Sumampa na sa 27 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pag-ulan at pagbaha na dulot ng Low Pressure Area(LPA), Northeast monsoon o Amihan, at shearline mula noong January 1, 2023.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), lima ang naitalang namatay sa Region 5; anim sa Region 8; walo sa Region 9, pito sa Region 10; at isa sa Region 11.
14 mula sa nasabing bilang ang naberipika na habang 13 naman ang inaalam pa.
Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 11 sugatan mula sa Region 9 at Region 10 habang 2 ang nawawala sa Region 10 at isa sa BARMM.
Umabot naman sa 151,365 pamilya o katumbas ng 614, 159 indibidwal ang naapektuhan.
Nakapamahagin na rin ng P31,634,389 ang pamahalaan sa mga biktima.
Samantala, pumalo na sa P283,982,690 ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura habang P171,430,996 sa imprastruktura.
Batay sa PAGASA, patuloy pa rin na magpapaulan sa mga apektadong lugar ang LPA na natagpuan malapit sa Surigao del Sur at ang Northeast monsoon o Amihan.