Sumampa na sa 28 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pag-ulan at pagbaha na dulot ng Low Pressure Area (LPA), Northeast Monsoon o Amihan, at shearline.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), lima ang naitalang namatay sa Region 5; pito sa Region 8; walo sa Region 9, pito sa Region 10; at isa sa Region 11.
15 mula sa nasabing bilang ang naberipika na habang 13 naman ang inaalam pa.
Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 11 sugatan mula sa Region 9 at Region 10 habang dalawa ang nawawala sa Region 10 at isa sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Umabot naman sa 347,105 na pamilya o katumbas ng 1, 397, 296, indibidwal ang naapektuhan.
Nakapamahagi na rin ang pamahalaan ng 74,237, 891 pesos na halaga ng tulong sa mga biktima.
Samantala, pumalo na sa 299,710,870 pesos ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura habang 171,555,996 pesos sa imprastruktura.
Batay sa PAGASA, patuloy pa rin na magpapaulan sa mga apektadong lugar sa bansa ang LPA, Northeast monsoon o amihan.