Sumampa na sa 87 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa tigdas habang pumalo na sa mahigit 5,000 ang naitalang kaso ng tigdas sa bansa simula Enero ngayong taon.
Ito’y makaraang masawi ang lima pang bata habang naka-confine sa San Lazaro Hospital sa Maynila.
Nagkaloob naman ng 50 kama, personal hygiene kits at mga kumot ang Philippine Red Cross sa San Lazaro Hospital para sa dumadami pang bilang ng mga pasyente roon.
Panibagong kaso rin ng pagkasawi dahil sa tigdas ang naitala mula naman sa bayan ng pinamungahan sa Cebu.
Magugunitang sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na inaasahang tatagal pa ang measles outbreak hanggang Marso.