Pumalo na sa 35 katao ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Nona sa bansa noong nakaraang linggo.
Ito ay ayon sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Habang 24 na katao naman ang naitalang nasugatan at 6 ang nawawala.
Samantala, sa kabuuan, mahigit sa P2 Billion naman ang naitalang pinsala ng NDRRMC sa sektor ng agrikultura at imprastruktura.
By: Allan Francisco