May 4 na labi pa mula sa Dawlah Islamiya – Maute Group ang nakuha ng Militar matapos ang isinagawang air strike sa Maguing, Lanao del Sur kamakailan.
Ayon kay Army’s 103rd Brigade Commander, B/Gen. Jose Maria Cuerpo II, umakyat na sa 7 ang bilang ng mga nasawing kalaban mula sa dating 3.
Gayunman, hindi pa makumpirma ni Cuerpo kung kasama sa mga ito ang lider ng grupo na si Faharudin Hadji Satar alyas Abu Zacariah na sinasabing bagong emir ng ISIS sa timog-silangang asya.
Nakubkob din aniya ng Militar ang kuta ng mga bandido kung saan nasamsam ang iba’t ibang matataas na uri ng armas at mga Improvised Explosive Device.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Cuerpo na patuloy ang isinasagawang pagtugis ng Militar sa iba pang mga nagsitakas na miyembro ng terroristang grupo matapos ang bakbakan. – ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)