Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasasawi sa nagpapatuloy pa ring bakbakan sa pagitan ng militar at ng Maute Group sa Marawi City nitong weekend.
Ito’y ayon kay AFP Public Affairs office Chief Col. Edgard Arevalo ay dahil sa may nadagdag pang 12 mula sa 375 nasawi nuong Biyernes.
Dahil dito, pumalo na sa 387 ang bilang ng mga nasawi kung saan, 290 sa mga ito ay mga terorista, 97 ay mga sundalo, tatlo ang pulis at 27 ang mga sibilyan.
Samantala, aabot naman sa 1,700 sibilyan na ang nasagip ng militar sa loob ng Marawi kabilang na ang limang sibilyan na narescue nuong linggo sa gitna ng walong oras na holiday pause.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal
Bilang ng mga nasawi sa bakbakan sa Marawi nadagdagan was last modified: June 27th, 2017 by DWIZ 882