Pumalo na sa 28,141 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19.
Ayon sa Department of Health (DOH), ito’y makaraang maitala ang 48 bagong mga nasawi sa virus.
6,337 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 dahilan para umakyat ang bilang nito sa 1,521,263.
Sa naturang bilang, 63,137 o 3.95% ang nananatiling aktibo sa COVID-19.
Samantala, matapos ang sunod-sunod na naitatalang mataas na kaso ng COVID-19, bumaba naman ito sa 6,879 kaya’t nasa 1,612,541 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.