Umakyat na sa 37ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang kinumpirma ni Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) commander at Deputy Chief PNP for Administration P/LtG. Guillermo Eleazar.
Ayon kay Eleazar, isang kuwarenta’y singko anyos na lalaking police noncommissioned officer na nakatalaga sa NCRPO ang nasawi kahapon, Marso 27.
Samantala, umakyat na sa 2,068 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP.
Labing apat na libo, dalawandaan at walumpu’t tatlo (14,283) ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa PNP makaraang madagdagan ito ng 184.
Paliwanag ni Eleazar, mula sa nabanggit na bilang ng mga bagong kaso, 172 rito ang bago habang 13 naman ang gumaling na subalit muling nahawa ng sakit.
Nadagdagan naman ng 67 ang bagong mga gumaling sa sakit kaya’t umabot na sa 12,178 ang total recoveries sa hanay ng PNP.