Mahigit 300 katao na ang nasasawi sa dengue mula Enero hanggang Mayo ng taong ito.
Ayon sa World Health Organization (WHO) Philippines, mula sa January 1 hanggang May 18 ay pumapalo na sa 303 ang kumpirmadong nasawi dahil sa dengue.
Gayunman, umaabot na sa 328 ang death toll sa unang 20 linggo ng 2019.
Mahigit 70,000 naman ang cumulative number o bilang ng suspected cases ng dengue sa buong bansa loob din ng 20 linggo.
Dahil dito, patuloy na pinag-iingat ng WHO ang mga Pilipino laban sa dengue at ang nakamamatay na mga kumplikasyong dulot ng sakit.