Pumalo na sa 17 katao ang bilang ng mga nasawi sa heavy snow o matinding pag-ulan ng nyebe sa Japan.
Ayon sa mga otoridad, 17 indibidwal din ang nasugatan at patuloy na nagpapagaling sa ospital.
Sa loob ng 10 araw, libu-libong kabahayan na ang nakaranas ng pagkaantala sa suplay ng kuryente dahil sa snow fall.
Sa ngayon, patuloy pa ring nagsasagawa ng operasyon ang mga otoridad para mabigyan ng mga food packs ang mga na-stranded na residente partikular na ang mga nasa kanlurang bahagi ng Japan.