Sumampa na sa 43 ang nasawi sa pananalasa ng Hurricane Maria sa Puerto Rico.
Ayon sa Puerto Rican Public Affairs and Policy Department, pinangangambahang tumaas pa ang naturang bilang lalo’t malaking bahagi ng tatlo punto apat na milyong residente ng isla ang walang access sa ospital.
Bagaman tatlong linggo na ang nakalipas simula nang tumama ang bagyo, labing-anim na porsyento pa lamang ng power supply ang naibabalik at tatlumpu’t tatlong porsyento ng cellphone signal ang na-restore.
Ang Hurricane Maria ang isa sa pinaka-malakas na bagyong tumama sa North America sa nakalipas na halos isandaang taon.
—-