Umabot na sa 92 katao ang nasawi matapos naganap ang kilos-protesta sa Iran.
Ito’y kasunod nang pagkamatay ng 22-anyos na babae sa loob ng kustodiya ng Pulisya matapos umanong lumabag sa tuntunin ng mga kababaihan na magsuot ng hijab.
Sumiklab ang sagupaan matapos magpunta ang mga protestante sa kalsada para magsagawa ng 16 na magkakasunod na gabing rally upang ipanawagan ang kanilang karapatan at dignidad.
Ilan sa mga protestante ay naghagis ng mga malotov cocktail sa headquarters ng Tehran.
Nagsasagawa na ng operasyon ang Iranian Forces bunsod ng nagpapatuloy na kilos-protesta sa nabanggit na lugar. —sa panulat ni Jenn Patrolla