Umakyat na sa 42 ang bilang ng mga nasawi sa marahas na kilos-protesta sa Baghdad, Iraq.
Bagama’t binugahan na ng tear gas ng security forces ang mga raliyista, tila hindi matinag ang mga ito at patuloy na dumarami sa Tahrir Square.
Kabilang sa mga ipinanawagan ng mga demonstrador ay ang agarang pagbibitiw sa puwesto ni Prime Minister Adel Abdul Mahdi bunsod ng umano’y korapsiyon, malawakang unemployment at mahinang serbisyo-publiko.
Ayon naman sa Iraqi Commission for Human Rights, maliban sa mga nasawi, mahigit 2,000 rin ang mga nasugatan sa madugong kilos-protesta.