Itinigil na ng mga otoridad ang search and rescue operations sa mga natabunan ng landslide sa isang campsite sa Malaysia.
Ayon kay Senior Rescue Official Hafisham Mohamad Noor, ito’y matapos na matagpuan ang nalalabing katawan ng isang batang lalaki.
Kabilang sa mga biktima ang labing isang mga bata, habang 61 indibidwal naman ang nailigtas.
Nabatid na 92 indibidwal, kabilang ang ilang mga bata, ang natutulog noon sa nasabing campsite sa Batang Kali, Selangor State noong Disyembre 16, nang maganap ang trahedya.
Aabot naman sa halos 700 personnel mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno ng Malaysia at emergency services, katuwang ang police tracker dogs at earthmoving machines, ang idineploy para sa search operations.