Pumalo na sa 43 ang bilang ng mga nasawi sa naganap na landslide sa bayan ng Las Tejerias sa Venezuela.
Ayon sa mga otoridad, posibleng tumaas pa ang bilang dahil sa mga natagpuang bangkay mula sa mga napuruhang lugar.
Nasa 56 naman ang nawawala kung saan, tumulong na rin ang ilang mga residente sa paghahanap sa mga ito.
Mahigit 1,000 kabahayan ang napinsala dahil sa naturang kalamidad.
Sa ngayon ay naibalik na ang supply ng kuryente at cellphone coverage sa naturang bayan ngunit marami pa rin ang walang supply ng tubig.
Nangako naman ang ilang opisyal ng gobyerno sa pagsasaayos ng mga naapektuhang kabahayan at gusali.