Pumalo na sa 93 ang bilang ng mga nasawi sa naganap na magnitude 6.8 na lindol sa Sichuan Province, Western China.
Ayon sa mga otoridad, pinaghahanap parin hanggang ngayon ang nasa 25 indibidwal matapos matabunan ng lupa.
Nabatid na pinaka apektado ang mga residenteng nakatira sa Chengdu na nasa ilalim ng Strict zero-covid controls kung saan, hindi sila maaaring umalis sa kanilang lugar at tirahan hanggat walang kautusan na ibinababa mula sa lokal pamahalaan.
Patuloy pang nagsasagawa ng search and rescue operation ang mga otoridad sa naturang bansa matapos ang pagyanig.