Pumalo na sa 162 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 5.6 na lindol na namataan sa West Java, Indonesia at may lalim na 10 kilometers.
Ayon sa mga tauhan ng Indonesia National Disaster Mitigation Agency, 326 katao pa ang naitalang sugatan sa pagyanig kung saan, inaalam pa kung may mga natrap sa kani-kanilang tirahan partikular na sa mga lugar na madalas nagkakaroon ng landslide.
Sa datos ng US Geological Agency, umabot na sa 13,000 katao ang inilikas habang nasa 2,200 na mga bahay naman ang winasak ng lindol.
Sa ngayon, patuloy pang nagsasagawa ng operasyon ang mga otoridad sa nabanggit na lugar.