Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa malawakang pagbaha at walang tigil na pag-ulan sa pakistan bunsod ng Monsoon rains o Habagat at Glacier o ang pagkatunay ng yelo mula sa kabundukan at mga ilog.
Ayon sa mga tauhan ng National Disaster Response Team, pumalo na sa 1, 481 ang mga nasawi kabilang na ang 274 na kabataan habang 54 naman ang nasa kritikal na kondisyon sa ospital.
Sa naging pahayag ng Meteorological Department, libu-libong residente ang nawalan ng tirahan matapos masira ang ilang mga village, tulay, at kalsada kung saan asahan parin ang mga pag-ulan sa ilang distrito na sakop ng mga probinsya ng pakistan sa susunod na 24 na oras hanggang 72 oras.
Sa ngayon, nasa milyong Pakistani ang apektado at pansamantalang nakatira sa mga open highways at higher planes dahil 90% ng distrito sa bansa ay nananatili paring lubog sa baha.
Patuloy pang nagsasagawa ng Search and Rescue operation ang mga otoridad para hanapin ang iba pang nawawala sa gitna ng kalamidad.