Pumalo na sa 196 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa muling pagbaha sa Pakistan dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Ayon sa mga tauhan ng Provincial Disaster Management Authority (PDMA), kabilang sa mga nasawi ang 96 na lalaki; 45 babae; at 55 kabataan.
Umakyat naman sa 81 indibidwal ang sugatan at ngayon ay patuloy na nagpapagaling sa ospital.
Sa pahayag ng mga otoridad, ang mga tube wells, solar panels, at iba pang mga paraan pagdating sa komunikasyon ay nasira dahil sa malakas na pag-ulan na sinabayan ng pagbaha.
Bukod pa dito, nasira din ang mahigit 200 kabahayan maging ang mga kalsada at tulay sa nabanggit na lugar.