Pumalo na sa 312 ang kabuuang bilang ng mga nasawi kabilang na ang 114 na menor de edad sa malawakang pagbaha sa Pakistan.
Ayon sa mga otoridad, patuloy na nakakaranas ng malalakas na hangin at pag-ulan ang kanilang bansa kung saan, umapaw ang tubig sa ilog dahilan para masira ang mga kalsada at apatnaput apat na mga tulay na nagresulta sa mabigat na daloy ng trapiko sa nabanggit na lugar.
Sa pahayag ng National Disaster Management Authority, umakyat na sa 6, 500 bahay ang nasira dulot ng limang linggong pag-ulan.
Sa ngayon, patuloy pang nagpapagaling sa ospital ang nasa 284 na indibidwal matapos magka-injury sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan habang nagsasagawa na ng search and retrieval operation ang mga otoridad sa iba pang residenteng nawawala matapos ang pagbaha.