Umakyat na sa 320 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa malawakang pagbaha dahil sa walang tigil na pag-ulan sa Pakistan.
Nabatid na umapaw ang tubig sa ilog dahilan ng pagkasira ng 13K kabahayan, mga kalsada, tulay at nagresulta ng mabigat na daloy ng trapiko.
Sinuspinde din ang serbisyo ng mga tren at iba pang pampublikong sasakyan sa lugar.
Ayon kay Pakistan Prime Minister Shahbaz Sharif, binisita na nila ang mga biktima ng pagbaha partikular na ang mga nakatira sa probinsya ng Balochistan na may pinaka maraming bilang ng mga nasawi.
Sa ngayon nagpaabot narin ng tulong si Sharif sa pamilya ng mga biktima at mga naapektuhan ng pagbaha.