Umakyat na sa 94 ang bilang ng mga nasawi sa naganap na landslide at pagbaha sa mountain region ng Rio De Janeiro sa Brazil.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, umakyat sa 80 mga bahay ang natabunan ng rumaragasang putik matapos ang malalakas na pag-ulan.
Bukod pa dito, nasira din ang ilang mga gusali, mga puno at kalsada kung saan, napilitang lumikas ang nasa 300 katao.
Patuloy pang nagsasagawa ng search and rescue operation ang mga otoridad habang nagpaabot narin ng tulong ang gobyerno at inaalam narin ang lagay ng mga apektadong pamilya.
Sa ngayon, nagdeklara na ng tatlong araw na pagluluksa ang gobyerno sa Brazil para sa mga biktimang nasawi sa malawakang pagbaha. —sa panulat ni Angelica Doctolero