Pumalo na sa 1,000 katao ang naitalang nasawi habang 1,500 naman ang kabuuang bilang ng mga sugatan matapos tumama ang magnitude 6.1 na lindol sa eastern Afghanistan.
Ayon sa mga otoridad, nagkaroon ng pagguho ng lupa kung saan, nawasak ang daan-daang mga mud-built home sa nabanggit na lugar.
Base sa imbestigasyon, karamihan sa mga nasawi ay mga menor de edad na natabunan habang natutulog sa loob ng kanilang bahay.
Sa pahayag ng lokal na pamahalaan, ito na ang pinaka nakamamatay na lindol na tumama sa Afghanistan sa loob ng dalawang dekada na namataan sa layong 44 kilometers at may lalim na 51 kilometers.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng search and retrieval operation ang mga otoridad matapos ang insidente.