Sumampa na sa 74 ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng Bagyong Ompong habang 55 ang nawawala.
Batay ito sa tala ng Philippine National Police (PNP) taliwas sa walong naitalang fatalities ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
60 sa mga biktima ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR); 10 sa Cagayan Valley; dalawa sa Central Luzon habang tig-isa sa Ilocos at National Capital Region (NCR).
Batay naman sa pagtaya ng NDRRMC, 960,000 katao na ang apektado ng kalamidad sa regions 1, 2, 3, Cordillera, MIMAROPA, CALABARZON at NCR.
Mula sa naturang bilang, mahigit 100,000 katao ang nananatili sa 930,000 evacuation centers.
Mahigit P14.3 bilyon naman ang pinsalang dulot ng bagyo sa agrikultura pa lamang.
—-