Inihayag ni UN Human Rights Chief Michelle Bachelet na umakyat na sa 102 ang bilang ng mga nasawing sibilyan sa ginawang pag-atake ng Russian Military Forces sa Ukraine.
Ayon kay Bachelet, umabot naman sa 304 ang bilang ng mga sugatan na pinangambahang posible pang madagdagan.
Sinabi ni bachelet, na karamihan sa mga sibilyang nasawi ay dahil sa malawakang pagsabog mula sa mabibigay na Artillery, Multi-launch Rocket System at Air strike.
Sa ngayon, umabot na sa 422K Ukrainians ang lumikas mula sa kani-kanilang lugar sa Ukraine. —sa panulat ni Angelica Doctolero