Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa naganap na pagbaha sa Pakistan.
Ayon sa National Disaster Management ng Pakistan, pumalo na sa 1,033 ang mga nasawi bunsod ng walang tigil na pag-ulan sa nabanggit na bansa.
Sa pahayag ni Prime Minister Shahbaz Sharif, umakyat na sa 180,000 na indibidwal mula sa Bayan ng Charsadda at 150,000 naman mula sa Bayan ng Nowshehra District Village ang nagsilikas dahil sa epekto ng pagbaha na nagtulak sa gobyerno para ideklara ang State of Emergency.
Nabatid na patuloy na nakararanas ng extreme weather events, kabilang na ang heatwaves, forest fires, flash floods, multiple glacial lake outbursts, flood events, at monster monsoon of the decade na nagresulta ng kaguluhan sa kanilang bansa.