Muling nadagdagan ang bilang ng mga nasawi sa malawakang pagbaha dahil sa walang tigil na pag-ulan sa Pakistan.
Ayon sa National Disaster Management Authority, pumalo na sa mahigit 500 indibidwal ang bilang ng mga nasawi na kinabibilangan ng 98 kababaihan at 191 kabataan.
Ayon kay Pakistan Prime Minister Shahbaz Sharif, umakyat na sa 40,000 na kabahayan ang nawasak habang 2,500 kilometers naman ng kalsada at mga tulay ang nasira dahilan para suspindihin ang serbisyo ng mga pampublikong sasakyan sa lugar.
Ayon kay Pakistan Prime Minister Shahbaz Sharif, patuloy sa pag-abot ng tulong ang gobyerno sa mga pamilyang biktima at mga naapektuhan ng pagbaha.