Pumalo na sa dalawampung (20) indibidwal ang nasawi mula sa isang linggong pagbaha sa Eastern coast ng Australia.
Kasunod ito ng malalakas na pag-ulan na naranasan sa Sydney kung saan, 10K katao ang lumikas.
Ayon sa mga otoridad, napilitang lisanin ng mga residente ang kanilang bahay bunsod ng matinding bagyo at mabilis na pagtaas ng tubig baha sa bahagi ng pinakamalaking lungsod ng Australia.
Binaha din ang mga tulay sa lugar kung saan, tinangay nito ang maraming sasakyan kasabay ng pagliparan ng mga bubong ng ilang mga gusali at bahay.
Bukod pa diyan, apektado din ang mga Shopping Center at Supermarket.
Patuloy pang nagsasagawa ng rescue operation ang mga otoridad para sa mga residenteng natrap o nastranded sa kani-kanilang mga tirahan. —sa panulat ni Angelica Doctolero