Umakyat na sa 44 na katao ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong pabrika ng mga plastic bag sa Pakistan.
Ito’y matapos ang limang araw ng mangyari ang insidente kung saan nasa 10 lamang ang inisyal na death toll.
Ayon kay Dr. Zulfiqar Ahmad, ang Lahore Executive District Health Officer, wala ng buhay na narekober mula sa search operations .
Gayunman, mahigit sa 100 ang masuwerteng nakaligtas bagama’t nagtamo sila ng injury.
Kabilang sa mga namatay ang mismong may-ari ng factory.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa sanhi ng aksidente ay kung ilan ang kabuuang tao sa loob ng naturang factory.
By: Mariboy Ysibido