Sumampa na sa anim ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Dante.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), isa ang namatay mula Western Visayas, isa sa Central Visayas, dalawa sa Davao Region, at dalawa sa Soccsksargen.
Bukod sa mga nasawi, dalawa naman ang iniulat na sugatan na parehong mula sa avao Region habang dalawa naman ang nawawala sa Eastern Visayas at isa sa Davao Region.
Samantala, nasa 4,439 families o 16,680 individuals ang kasalukuyang nanunuluyan sa mahigit isang daang evacuation centers sa iba’t ibang panig ng bansa.