Sumampa na sa dalawampu ang death toll sa pananalasa ng bagyong Enteng at Habagat.
Batay sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot na sa labingwalo ang bilang ng mga nasugatang indibidwal, habang dalawampu’t anim naman ang napaulat na nawawala.
Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 2.3 million individuals ang naapektuhan ng bagyong Enteng at Habagat, kung saan, mahigit 34,000 katao ang nananatili sa mga evacuation center.
Samantala, tatlumpu’t siyam na mga lugar na ang nagdeklara ng state of calamity, kung saan, tatlumpu’t pito sa nasabing bilang ay mula sa Region 5, habang tig-isa naman sa CALABARZON at Region 8.