Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Karding.
Ito ang inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) matapos umakyat sa walo ang mga biktimang nasawi sa Luzon.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni NDRRMC spokesperson Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro IV, mayroon ng initial reports ang kanilang ahensya habang nagpapatuloy pa ang assesment sa mga apektadong lugar.
Kabilang sa mga biktimang nasawi sina George Agustin, 45 anyos; Marvy Bartolome, 36; Narciso Calayag Jr., 33; Troy Justin Agustin, 30 anyos at Jerson Resurecion na pawang mga rescuer na tutulong sana sa mga residenteng binaha sa San Miguel, Bulacan.
Isa din ang nasawi sa bayan ng Burdeos sa Polillo Islands, Quezon at dalawa naman sa Zambales.