Muli pang nadagdagan ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Maring.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 40 ang kabuoang bilang kung saan, 23 rito ang kumpirmadong nasawi dahil sa bagyo habang labing pito pa ang kasalukuyang dumaraan sa verification.
Pinakahuli rito ang 67-anyos na lalaki na taga Sitio Cayapa, Poblacion, Suyo gayundin ang isang lalaki sa baliw Laud, Sta. Maria na kapwa nasa Ilocos Sur na parehong tinangay ng rumaragasang tubig baha.
Sa ngayon, patuloy pang pinaghahanap ang nasa 18 indibidwal na naiulat na nawawala dahil sa bagyong Maring.—sa panulat ni Angelica Doctolero