Pumalo na sa halos 21 ang bilang ng nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Ursula.
Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), karamihan sa mga napaulat na nasawi ay mula sa Eastern at Western Visayas.
Hindi naman bababa sa 10 katao ang nawawala habang dalawa naman ang sugatan.
Samantala, umaabot naman sa mahigit 12,000 ang kabuuang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Ursula.
Ayon sa NDRRMC, mula ang mga ito sa 340 mga barangay sa Region, 5, 6, 7, 8 at Caraga.
Sa nabanggit na bilang halos 11,000 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa 90 mga evacuation centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.