Umabot na sa 100 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa tala na inilabas ng PNP health service, ito’y makaraang madagdagan ng 1 ang bilang ng mga nasawi.
116 naman ang bagong nakarekober sa virus kaya’t nasa 31,492 na ang kabuuang bilang nito.
Samantala, 33,438 naman ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa PNP matapos na dapuan ng virus ang karagdagang 150 na mga pulis.