Umakyat na sa 17 ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ayon sa PNP Health Service, isang 28 anyos na non-commissioned officer mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi.
Kasabay nito, 44 na bagong kaso naman ng COVID-19 ang naitala sa hanay ng PNP kaya’t umakyat na ang bilang nito sa kabuuang 5,329.
27 sa mga bagong kaso ay mula pa rin sa NCRPO, 7 naman sa Central Visayas PNP, 4 mula sa Calabarzon, 3 sa Zamboanga Peninsula, 2 sa Bangsamoro Autonomous Region at isa sa Eastern Visayas PNP.
Mula sa nabanggit na bilang, 1,388 ang aktibong mga kaso habang nasa 3,924 naman ang bilang ng recoveries matapos makapagtala ng 74 na pulis na gumaling sa sakit dulot ng virus.