Pumalo na sa 65 indibidwal ang bilang ng mga nasawi habang 150 naman ang sugatan sa naganap na sagupaan sa Southern Sundan Province.
Ayon sa mga otoridad, nagkaroon ng girian sa pagitan ng Hausa at Birta na parehong kabilang sa ethnic group.
Ayon sa Senior at province health official, karamihan sa mga biktima ay mga kabataan na nasawi sa pamamaril at pananaksak kung saan, nasa malubhang kondisyon ngayon ang 15 sa mga sugatan na patuloy na nagpapagaling matapos ang bakbakan.
Sa ngayon, nagdeploy na ang mga militar ng paramilitary rapid support forces upang inspeksiyonin at magpatupad ng curfew para matiyak ang seguridad sa kanilang lugar.