Umakyat na sa 43 ang bilang ng mga nasawi sa suicide bomb attacks sa isang learning center sa Kabul, Afghanistan.
Ayon sa United Nations Mission, 83 ang nasugatan at inaasahang madadagdagan pa ang death toll.
Matatandaang noong Biyernes ay pinasabog ng isang suicide bomber ang kaniyang sarili malapit sa mga kababaihan sa isang gender-segregated study hall sa kabul, na tahanan ng historically oppressed Shiite Muslim Hazara Community.
Sa ngayon ay wala pang grupo na umaako sa nasabing pagpapasabog, ngunit ang Jihadist Islamic State Group, ang nagsasagawa ng deadly attacks sa lugar na tuma-target sa mga babae, eskwelahan at mga moske.