Umakyat na sa 90 ang bilang ng mga nasawi habang mahigit 100 naman ang sugatan matapos ang dalawang magkasunod na suicide bombing sa Kabul Airport sa Afghanistan.
Sa nasabing bilang, 28 Taliban members ang nasawi at ilan sa mga nasugatan ay mga Afghans na desperadong makaalis sa naturang bansa.
Bukod dito, 13 US soldiers ang namatay at 18 naman dito ang sugatan.
Dahil dito, nangangamba ang Amerika na mauulit ang pagtatangkang pambobomba dahil nalalapit na ang paglisan ng mga sundalong Amerikano at ibang allied troops kung saan sa katapusan na ito ng Agosto.
Samantala, sinabi ng opisyal ng taliban na kung tutuusin ay mas marami ang namatay sa kanilang kampo kumpara sa mga tauhan ng US soldiers.