Umabot na sa 75 katao ang bilang ng mga nasawi habang nasa 125 ang sugatan sa pagbagsak ng tren sa Lubumbashi, Democratic Republic of the Congo mula noong Huwebes ng gabi.
Kabilang sa binawian ng buhay ang mga lalaki, babae at mga bata.
Ayon kay Deodat Kapenda, Interior Minister ng nasabing lugar, ang pagkawala ng traksyon ang tinitignang dahilan sa pagkadiskaril ng pitong bagon na nahulog sa bangin.
Samantala, sinabi ni Fabien Mutomb, head ng isang State Railway Company na posible ring dahil sa overloading o mga taong iligal na sumasakay sa tren ang dahilan ng pangyayari. —sa panulat ni Airiam Sancho