Umakyat na sa mahigit 50 indibidwal ang bilang ng mga nasawi sa tumaob na bangka sa Pakistan noong Lunes.
Ayon sa mga otoridad, sakay ng naturang bangka ang nasa isandaang pasahero nang magkaaberya sa kasagsagan ng bagyo sa Indus river na sakop ng Punjab, Pakistan.
Sa pahayag ni District Spokesperson na si Kashif Nisar Gill, nasa 26 katawan ang narekober na karamihan ay mga babae at bata habang pinaniniwalaan namang patay na ang iba pang sakay ng nabanggit na bangka.
Sa ngayon, patuloy na nagpapagaling ang iba pang pasahero makaraang makaligtas sa pamamagitan ng kanilang paglangoy patungong pampang.