Sumampa na sa sampu (10) ang bilang ng patay sa wildfire sa California.
Ayon sa report, nasa isanlibo’t limandaang (1,500) bahay at gusali na ang nilamon ng apoy kabilang ang ilang high end resorts dahil ditto.
Libu-libo ding mga residente ang pwersahang inilikas kabilang ang mahigit isandaang libong (100,000) pasyente ng dalawang ospital sa Santa Rosa.
Patuloy naman ang pagsusumikap ng mga bumbero na apulahin ang wildfire.
Nagdeklara na rin ng state of emergency ang tatlong lugar sa California na matinding naapektuhan ng nararanasang wildfire.
—-