Halos dumoble ang bilang ng mga nasawi na migrante na nagtangkang tumawid sa Mediterranean patungong Europa sa unang bahagi ng 2021.
Ito’y batay sa International Organization for Migration (IOM).
Sa datos ng IOM, mahigit 1,000 indibidwal ang nasawi na nagtangkang pumunta sa Europe sa pamamagitan ng pagdatawid sa mediterranean sa unang anim na buwan ng taong kasalukuyan.
Higit itong mataas kumpara sa 513 migrants na nalunod sa kaparehas na panahon nuong nakaraang taon.
Nanawagan naman si IOM Director Gen. Antonio Vitorino, sa agarang at pagbuo ng mga hakbang para maiwasan na ang pagkalagas ng buhay ng mga migranteng nagnanais ng mas ligtas at maayos na buhay.