Patay ang labing-limang (15) peacekeepers ng United Nations makaraang umatake ang mga ugandan rebels sa Democratic Republic of Congo.
Ayon sa UN Security Council, ang mga biktima na mula sa Tanzania ay napatay ng mga rebelde sa North Kivu province.
Maliban sa mga kinatawan ng UN, limang sundalong congolese din ang nasawi habang limampu’t tatlong (53) personnel ang nasugatan.
Agad namang tinuligsa ni UN Chief Antonio Guterres ang pananambang kung saan tinawag niya itong “heinous act.”
Magugunitang nagkaroon din ng katulad na pag-atake laban sa UN peacekeeping force sa somalia noong 1993 na ikinasawi rin ng dalawampu’t apat na sundalo.