Umabot na sa 8.5 milyon ang kabuuang bilang ng mga commuters na nabigyan ng libreng sakay ng Metro Rail Transit line 3 (MRT-3) sa unang buwan ng programa ng Department of Transportation (DOTR).
Ayon sa MRT-3 management, nasa 8,472,637 ridership ang naitala mula march 30 hanggang April 2022.
Layunin ng naturang programa na makatulong sa pagpapagaan ng pinansiyal na pasanin ng mga commuter sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina at mga pangunahing bilihin sa bansa.
Nabatid na naglaan ang DOTR ng pondo na 7.5 billion pesos sa ilalim ng 2022 general appropriations act kung saan, ang kapasidad at performance ng newly-rehabilitated facilities at subsystems ng MRT-3 ay kayang mag-accommodate ng hanggang 350,000 na pasahero araw-araw.
Magsisimula ang regular operating hours ng MRT-3 mula alas-4:40 ng umaga hanggang alas-10:10 ng gabi araw-araw.