Sumampa na sa sampu ang bilang ng mga sugatan matapos tumama ang magnitude 6.4 na lindol sa Abra kagabi.
Ayon kay Officer-In-Charge Arnel Valdez ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), anim sa nasabing bilang ay mula sa bayan ng Lagayan, tatlo sa San Juan, at isa sa San Quintin.
Naapektuhan din aniya ng nasabing lindol ang ilang simbahan at istruktura ng mga municipal hall.
Kaugnay nito, suspendido rin ang mga klase at pasok sa gobyerno.
Samantala, nakapagtala rin ang PDDRMO ng landslides sa bayan ng Tubo, Abra; Abra-Kalinga Road, at Abra-Ilocos Norte Road at ilan din sa mga water system ang napinsala.