Kumpiyansa ang Department of Health (DOH) na ang pandemya ng COVID-19 ang dahilan kaya’t malaki ang ibinaba ng bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok sa pagpasok ng Bagong Taon.
Ito’y ayon kay Health Sec. Francisco Duque III matapos makapagtala lamang ng 50 firecracker related injuries at stray bullet ang kagawaran.
Batay sa datos mula Disyembre 21 ng nakalipas na taon hanggang kahapon, Enero 1 ng 2021, aabot lang sa 49 ang naitala nilang nasugatan.
Gayunman, sinabi ni Duque na hindi pa tapos ang kanilang pagbibilang dahil inaasahan pa nila itong madaragdagan sa mga susunod na araw hanggang Enero 6.