Nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamaraming bilang ng mga nasugatan sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Batay ito sa datos mula sa Department of Health (DOH) matapos makapagtala ng 50 naitalang nasugatan mula Disyembre 21 ng taong 2020 hanggang Enero 1 ng 2021.
Walumpu’t limang (85)% anila ang ibinaba ng mga kaso ng mga nasugatan ang naitala ng health department kumpara sa nakalipas na mga taon.
Gayunman, sinabi ng DOH na bagama’t may mga nasugatan pa rin sa pagsalubong sa bagong taon, wala naman silang naitalang nasawi dahil sa paggamit ng paputok.