Umabot na sa 90 kalahok ang nabakunahan ng unang dose ng COVID-19 vaccine sa isinagawang “Mix And Match” study.
Ayon kay DOST Undersecretary for Research and Development Dr. Rowena Cristina L. Guevara, nakatakda namang bakunahan ng second dose ang mga nakatanggap ng unang dose sa mahigit 100 indibidwal na target nila sa susunod na linggo.
Layunin ng nasabing pag-aaral, na suriin ang kaligtasan at immunogenicity ng paghahalo ng magkaibang COVID-19 vaccines at vaccine platforms sa mga Pilipinong nasa wastong gulang.
Samantala, patuloy naman ang kanilang isinasagawang paghikayat sa mga indibidwal kung saan nagsimula ito sa lungsod ng Muntinlupa, Marikina at Manila na nais sumailalim sa nasabing proyekto.