Umabot na sa 2 milyon ang bilang ng mga negosyong nagparehistro sa Department of Trade and Industry sa gitna ng nagpapatuloy na Covid-19 pandemic.
Sa naging pahayag ni Trade Secretary Ramon Lopez, nabawi ang bilang ng mga nagsarang negosyo bunsod ng epekto ng pandemiya.
Ayon pa kay Lopez, tiwala ang kanilang ahensya na magpapatuloy ang development o pag-angat ng ekonomiya ng bansa dahil sa mas maluwag na restriction na ipinatupad ng pamahalaan.
Matatandaang noong nakaraang taon ay nasa 1.7 million lamang ang bilang ng mga registered businesses dahil sa patuloy na pagkalugi ng ilang negosyo dulot ng banta ng Covid-19. —sa panulat ni Angelica Doctolero